Monday, December 13, 2010

HAYSKUL.

Ngayong bente anyos na ko, napagtanto ko kailan lang na namimiss ko ang buhay highschool. Isa sa pinaka masayang yugto ng buhay ng isang tao kung saan dun ka mamumulat sa mga bagay-bagay tungkol sa buhay. Naniniwala akong hindi lang ito masaya ngunit ito ung mga panahon na masarap balik-balikan!
  • 1, yung pagising ko ng sobrang maaga. Noon ayokong ayoko na nalalate sapagkat datapwat (HAHA) napaka higpit ng aming eskwelahan, pag nalate ka ang daming tatanungin sayo, katulad na lang ng tanong ni Casimiro sakin noon na "Bakit late ka natulog?" at kung ano anong shit pa.

Ngayon, kahit 30mins late ako sa klase ayos lang. Lagi kong iniisip na "OKAY LANG NAMAN PUMASOK NG LATE, WALANG PAKELAM YUNG PROF".

  • 2, namiss kong sumakay ng BUS. Mapa ordinary man ito o aircon at ang masarap pa rito kasabay ko lagi pumasok yung kapatid kong lalaki na nag-aaral sa tabi ng aking paaralan, wala ng iba kundi sa NOTRE. Lalo na pag Nov-Jan napakalamig sa daan minsan gusto ko na lang matulog sa bus.
NGAYON, malungkot pumasok mag-isa lalo na kung nagddrive kang pumapasok. Pwede kang sumigaw sa loob ng sasakyan hanggang mawalan ka ng boses at wala rin akong mapagtanungan kung bakit traffic. Dati kapatid ko bff ko, ngayon bestfriend ko ung radyo, WALA NG IBA. Dahil dito, nakilala ko sina Mo Twister, Mojo & Grace Lee.

  • 3, yung pag attend ng FLAG CEREMONY AT ANG PAG KANTA NG SCHOOL HYMN. "The school we love St. Mary's is her name" LALALALA.
Ngayong college na ko mabibilang ko pa sa daliri ko kung ilang flag ceremony palang na attendan ko at lalong lalo ng di ko kabisado ang SCHOOL HYMN NG SCHOOL KO NGAYON. Nakakatawa lang kasi nakikisabay na lang ako sa mga schoolmates kong kumakanta, feeling ko alam ko na rin, pag ako lang ang pakakantanhin walang lalabas sa bibig ko NI HA, NI HO.

  • 4, yung mga paulit ulit kong kinakain sa canteen. Noong HS, natitiis kong di kumain ng lunch okay lang kahit walang carb.
E ngayong college na ko mas lalo ko pang nakilala ng lubusan sila McDo, Jollibee, Chowking, Inengs, Shakeys (NAME IT ALL SA KATIP).

  • 5, ang pagtambay after class sa back gate kahit buong araw mo na silang kasama hindi ka pa rin nagsasawa sa mukha nila kahit sa uwian. At dahilan na rin siguro na nagka-boyfriend ako noong panahon na to, sabay kami lagi umuwi. Kakain ng kung ano-anong merienda mapa streetfoods solve na!
Ngayon, pag nag ring ang bell, inuunahan pa namin lumabas ang prof minsan sa pintuan. Minsan di pa kami dinidismiss nasa pintuan na kami. GANON KAMI KAEXCITED UMUWI. Pag gusto namin magmerienda, streetfoods agad ang naiisip namin. Dumadayo pa kami sa UP DILIMAN, the best ang isawan dun.

  • 6, yung mga papetiks petiks na seatworks, exams, at quizzes. Nung highschool multiple choice, pwede pang magkopyahan at may tulungan factor pa.
Ngayon di na pwede, kung di ka nag-aral siguradong babagsak ka. Lalo na kung panay essay ang binibigay ng professors, minsan masaya mag creative writing kung alam mo talaga, pero kung wala ka talagang alam wag mo na lang sagutan dahil mapapahiya ka lang.
  • 7, namimiss ko yung mga lalaki kong kaibigan na araw-araw makikipag-asaran sayo hanggang sa mapikon ka na. O kaya naman may aasarin kayong kaibigan niyo at pagtutulungan niyo pang lahat. Iba pa rin pag may lalaki kang kasama, iba yung saya.  * Wala palang lalaki sa school ko ngayon.
  • 8, para kayong magkakapatid sa classroom. Pag may nagawang mali yung isa, kasalanan na ng lahat. 
  • 9, yung may matatawag kayong adviser. Sa kanya lahat magsusumbong katulad ng hindi tumulong sa ganito, hindi naglinis sa araw na to si ganyan. HAHAHA.
  • 10, sa HS darating yung panahon na magkakagusto ka sa opposite sex at masarap sa feeling yung kinikilig kilig ka na minsan parang tanga na lang.

Ngayong college na ko gusto ko bumalik sa pagiging HS. Di rin ako magtataka kung tumanda ako gusto kong bumalik sa pagiging bata. 

No comments:

Post a Comment